Bicol
- ay isang rehiyon na matatagpuan sa Timog Luzon. Tinatawag din itong Rehiyon V at ang mga tawag sa mga tao na nakatira sa bahaging ito ng Pilipinas ay Bikolano (para sa lalaki) at Bikolana (para sa mga babae)..
Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyong ito ay:
Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon
Kasaysayan
Ang Lugar ng Bicol ay nakilala sa buong Pilipinas simula ng sumabog ang Bulkang Mayon na gumising sa milyong-milyong Pilipino. Dumagdag din sa kasikatan nito ang Tinagba Festival at mga "Beaches" na matatagpuan sa iba't-ibang lugar ng Bicol. Pinakabibisitang lugar o tourist spot dito ay ang Bulkang Mayon..
*Mga Lugar Pasyalan
*Albay
Lignon Hill Nature Park
Isa sa mga atraksyon sa Legazpi ay ang Lignon Hills. Tanaw na tanaw mula rito ang buong Legazpi at Bulkang Mayon. May kakaibang adventure din na naghihintay dito, ang Zip Lining. Na kapag naranasan ay tiyak na babalik-balikan ito dahil sa mga tanawing naghihintay dito.
Misibis Bay
Isang pribadong lugar na matatagpuan sa Cagraray Island, Albay. Siguradong ikaw makakapag-relaks dahil sa mga pool na naghihintay dito at mayroon ding parte na maaring maligo sa beach na pagmamay-ari din nito. At ang mga tanawing nakakamangha na isang malaparaisong karanasan.
Daraga Church
Isang sa mga pinakakabisitang lumang simbahan sa Pilipinas. Gawa ito sa mga batong galing sa bulkan. Kung mapapansin sa gilid nito ang isang imprastraktura ay base sa Baroque-Rococo na isa sa mga impluwensya ng mga Espanyol. Tanaw din mula dito ang Bulkang Mayon.
*Mga Pagkaing Ipinagmamalaki
Laing
Sa Bicol ay ang karaniwang ginagamit sa pagluluto ay ang katas na Niyog. Isa ito sa mga sangkap ng Laing at Pinangat. Ang laing ay niluto sa tuyong dahon ng gabi, mga piraso ng karne, shrimp paste at ang ang di pwedeng mawala ay ang sili.
Bicol Express
Isa din sa popular na pagkaing nagmula sa Bicol. Ito ay nilaga sa mahabang oras sa gatas ng niyog, shrimp paste, baboy, sibuyas at bawang. Na mas masarap kainin kasama ang mainit na kanin.
*Mga Produkto ng Bicol
Niyog
Isa sa mga pangunahing produkto ng rehiyon ng Bicol. Karaniwang ginagamit sa pagluluto ng mga nakatira dito. Ginagawang kinaskas na niyog. Tinatawag ding Tree of Life dahil sa iba't-ibang bagay na maaring mapakanibangan kada parte nito.
Abaka
Bukod sa Niyog di rin magpapahuli ang Abaka. Karamihan sa mga binibenta sa rehiyon ng Bicol ay gawa dito. Tulad ng tsinelas, upuan, kahon at marami pang iba.
Pili
Isang uri ng mani at puno. Produktong matatagpuan din sa rehiyon ng Bicol. Karaniwanna gwa dito ang "Sweet Pili Nut". Mabibili din ito sa mga tindahan sa Bicol na nakapakete na at may kanya kanyang pangalan na ginagawa negosyo ng mga taga-Bicol.
*Mga Tanyag Na Tao
Nora Aunor
Si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilalang Nora Aunor na isa sa mga sikat na personalidad na nagmula sa rehiyon ng Bicol. Isang mang-aawit, artista at producer na tinaguriang "Superstar".
Kristine Hermosa
Isang artistang Pilipino. Sampung taong nagtratrabaho sa showbiz sa Pilipnas. Nanalo ng award na "Box Office Queen" sa kanyang pagganap sa pelikulang Enteng Kabisote. Siya ay nagmula sa lalawigan ng Masbate.
Venus Raj
Si Maria Bayonito Raj o mas kilalang Venus Raj ay lumaki at tumira sa Bato, Camarines Sur. Nakilala si Venus sa pagkapanalo sa Ms. Universe bilang 4th runner up.
* Piyesta
Magayon Festival
Ang Magayon Festival ay isang taunang pagdiriwang sa panahon ng buwan ng Mayo na mula sa alamat ng Bulkang Mayon. Ang pagdiriwang na ito ay nagmula sa pangalang Magayon, na ngangahulugang isang magandang babae sa wikang Bicolano. Ipinagdiriwang din ito sa karangalan ng Nuestra Senora La Porteria,Patrong Santo ng Daraga. Ito ang naging sentro ng pagdiriwang na ito, tungkol sa dalawang magkasintahang nagmamahalan at namatay ng magkasama. Si Daragang Magayon at Pangaronon na isang mandirigma.
HULING PANANALITA
Ang aming ginawa ay isang proyekto sa asignaturang Filipino na Proyektong Panturismo. Maari itong makatulong sa pagtaas ng ekonomiya bilang panghihikayat sa mga dayuhan gayun din sa kapwa naming Pilipino.
Sa tulong ng Blog na patungkol kung anung meron at maaring gawin sa rehiyon ng Bicol na ibig sabihin lamang ay Turismo. Maaring umunlad ang bansa dahil dito na gamit lamang ang INTERNET ay maaari ka ng makapanghikayat ng mga turista. Kahit sa tingin ng iba ay prang wala lang. Na kahit sa ganitong paraan ay makatulong man lang sa bansang kinabibilangan natin. Na kaming mga kabataan ay mayroon ding maitutulong kahit ito'y maliit lamang. Salamat!!!!..
Unang Pangkat
7-Matiyaga (2013-2014)
Gng. Marilyn Ibanez
Pangalan ng Miyembro:
Leader: Larin, Marianne
Mapagdalita, Keryztyn Joi
Rofuli, Maria Lourrievyn
Alvero, Valerie
Mahusay, Lance Ivan
Gener, John Russel
Delgado, Louie
Padillo, John Carlo
Derpo, Renniel
Pinagkunan/Bibliyograpiya
Wikipedia, the free encyclopedia
- tungkol sa rehiyon ng bicol sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Kabikulan
- tungkol sa Magayon Festival sa http://bcl.wikipedia.org/wiki/Magayon_Festival
wowlegazpi.com/lignon-hill-nature-park/
Mga larawan:
-https://www.google.com.ph/#q=misibis+bay
-https://www.google.com.ph/#q=lignon+hill+nature+park
-https://www.google.com.ph/#q=daraga+church
-https://www.google.com.ph/#q=laing
-https://www.google.com.ph/#q=bicol%20express
-https://www.google.com.ph/#q=nora+aunor
-https://www.google.com.ph/#q=kristine+hermosa
-https://www.google.com.ph/#q=venus+raj
-https://www.google.com.ph/#q=abaka
-https://www.google.com.ph/#q=niyog
-https://www.google.com.ph/#q=pili